Kinumpirma ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky na plano nilang magtayo ng embahada sa Pilipinas ngayong taon.
Ginawa ni Zelensky ang Pahayag matapos ang kanilang pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa loob ng Palasyo ng Malakanyang.
Nasa bansa si Zelensky para sa isang working visit.
Sa ngayon kasi sa Malaysia lamang mayroong embahada ang Ukraine sa bahagi ng Asya.
Sa panig naman ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kaniyang sinabi na magandang balita ang pagbubukas ng Ukraine ng kanilang embahada sa Manila.
Pinasalamatan naman ni Zelensky si Pang. Ferdinand Marcos sa kaniyang pagdalo sa Shangri-La dialogue 2024 sa Singapore kung saan sinabi nito na ang ginawa ng Pangulo ay isang malakas na mensahe kung saan ito ay maliit na hakbang tungo sa kapayapaan.
Nalulugod si Zelenskyy sa naging posisyon ni Pangulong Marcos hinggil sa panggi giyera at pag okupa aniya ng Russia sa kanilang mga teritoryo.
Nagpasalamat din ang Ukraine President kay Pangulong Marcos sa aniya ay suporta at donasyon ng Pilipinas sa kanilang bansa habang patuloy na nahaharap sa epekto ng giyera.
Bago pa man humarap sina Pangulong Marcos at Zelensky sa harap ng kani-kanilang cabinet officials, nagkaroon muna ng pag-uusap ang dalawang leader na sila lamang.
Kung maalala, supresang dumating si Zelensky sa Singapore sa ginanap na Shangri-la dialogue 2024.