-- Advertisements --

Naniniwala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mabilis na matatapos ang giyera nila ng Russia sa pag-upo ni US president-elect Donald Trump.

Sinabi nito na sa polisiya ngayon ni Trump kapag umupo na ito sa White House ay tiyak na matatapos na ang gulo nila.

Dagdag pa nito na wala pang katiyakan kung kailan matatapos ang giyera at ang pagkakaroon ng patas na kapayapaan ay siyang malaking tulong sa Ukraine.

Una ng ipinangako ni Trump na sa kaniyang pag-upo sa puwesto ay kaya niyang tapusin sa isang araw ang giyera ng Urkraine at Russia.