-- Advertisements --

Hinikayat ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga lider ng iba’t-ibang bansa na tumayo para sa kanila laban sa giyera kontra Russia.

Sa ginawa nitong talumpati sa United Nations General Assembly ay iprinisenta nito ang kaniyang tinuturing na “Victory Plan”.

Sinabi nito na wala ng kapalit pa ang “peace formula” na kaniyang iprinesenta noong nakaraang dalawang taon.

Ang nasabing peace formula ay ang pagpapatalsik sa lahat ng mga sundalo ng Russia na nasa Ukraine at panagutin sa nangyaring giyera.

Una ng sinabi ng Russia na hindi sila tutugon sa anumang usaping pagkapayapan sa Ukraine.