Binigyang diin ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy ang katatagan at determinasyon ng Ukraine na makamtan ang kapayapaan, habang tinukoy ang mahalagang papel ng Estados Unidos at iba pang mga kaalyado nito sa west sa patuloy na suporta mula sa Ukraine.
Ipinahayag ni Zelenskyy na hindi ibibigay sa Ukraine ang kapayapaan bilang isang regalo, kundi makikipaglaban sila ng walang humpay upang wakasan ang 34-buwang pananakop ng Russia sa Ukraine. Nilinaw din niya na tanging ang isang malakas at matatag na bansa (Ukraine) lamang ang makakapagtamo ng kapayapaan at respeto.
Isinagawa ni Zelenskyy ang naging pahayag sa isang 21-minute na mensahe sa new year video greetings nito sa Ukraine kung saan ipinaabot ni Zelenskyy ang kanyang tiwala na patuloy silang susuportahan ng Estados Unidos at binanggit ang kanyang mga pag-uusap kay outgoing President Joe Biden at incoming President Donald Trump kung saan ibinahagi nito ang kanyang paniniwala na ang anumang pagsisikap para sa kapayapaan ay mangangailangan ng agresyon— isang bagay na hindi makakamtan kung hindi muna tatalunin ang mga pwersa ng Russia.
Pinunto rin nito sa kaniyang message greetings ang hindi pagtangkilik ng Ukraine sa mga negosasyon ng Russia at nagbabala na kahit na magbigay ang Russia ng pansamantalang mga hakbang patungo sa kapayapaan, hindi raw dapat pagkatiwalaan ito, dahil naniniwala si Zelenskyy na isa lamang itong malaking palabas para sa mga agresibong hakbang na ginagawa ni Russian President Vladimir Putin.
‘If today Russia shakes your hand, it doesn’t mean that tomorrow the same hand will not start killing you,’ sabi ni Zelenskyy, na binigyang-diin ang matinding takot ng Russia sa kalayaan at demokrasya.
Sa kanyang mensahe, muli niyang binanggit na ang kapayapaan ay makakamtan lamang ayon sa mga kondisyon ng Ukraine, at hindi magtatapos ang digmaan hangga’t hindi natitigil ang agresyon na ginagawa ng Russia. Ipinunto niya na ang digmaang ito ay hindi isang simpleng alitan kundi isang laban para sa kaligtasan at ang pagpapanatili ng soberanya at kalayaan ng bansang Ukraine.