Target ng Land Transportation Office na makamit ang zero backlogs sa paglalabas driver’s license at plate numbers sa pagsapit ng buwan ng Hulyo 2024.
Ayon kay LTO chief Atty. Vigor Mendoza, ngayong taon ay kumpiyansa siyang magiging sapat na ang supply ng mga license cards at plates dahil on track aniya ang kanilang kagawaran hinggil sa usaping ito.
Ito ay matapos na makapag-bid ang Department of Transportation at ang kanilang ahensya ng aabot sa humigit-kumulang 9.7 million cards para sa plates at driver’s license.
Dahil dito ay sinabi rin ni Mendoza na maaari nang makakuha ng kanilang mga plastic cards na mga lisensya ang mga motorista na una nang nabigyan ng ahensya ng temporary paper licenses.
Kung maaalala, nitong Abril 15, 2024 ay nagsimula nang muli na maglabas ang LTO ng plastic card driver’s licenses matapos bawiin ng Court of Appeals ang injunction order ukol dito.