-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Pinagmamalaking natapos ng mga direktor na sina Lore Reyes, Christian Acuna at Jo Macasa, ang zero budget horror trilogy film na Quarantina Gothika.

Hango ito sa mga sitwasyong dulot ng coronavirus pandemic na pinagbibidahan nina Solenn Heussaff, G. Toengi, at si Michelle Gallaga na anak ng namayapang veteran director na si Peque Gallaga.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Direk Jo Macasa, nagsimula lang aniya ito sa plano nilang magkaroon ng makabuluhang ginagawa sa kani-kanilang bahay sa pamamagitan ng Zoom meetings.

Kakaibang taping pa aniya ang naganap kung saan ang mga artista mismo ang nag-effort sa video set up para e shoot ang sariling scene.

”It was so artistically done, nag-work talaga siya kasi dahil na rin sa commitment ng mga actors. Nag-decide sila to make this work, so it was very fulfilling. Everytime with pack up talagang ”haaaaaah! it’s a wrap!” masayang turan ni Direk Jo Macasa

Dagdag pa ni Direk Macasa, libreng mapapanood online ang Quarantina Gothika sa darating na August 1.

Alay din nila ito sa master of Horror films na si Peque Gallaga bilang kanilang inspirasyon at guro sa industriya.