Target ng pambansang pulisya na makamit ang zero crime at injuries sa pagsalubong sa bagong taon.
Kaya umapela si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa sa kaniyang mga tauhan na palakasin pa ang kanilang pagbabantay lalo na ang gagawing patrulya sa mga kalye.
Sa mensahe ni Dela Rosa hiling nito sa mga pulis na sikapin na magkaroon ng zero crime and injuries sa pagdiriwang ng bagong taon.
Hinimok din nito ang mga police commanders na personal na pangunahan ang pagpapatupad ng seguridad sa kani-kanilang mga areas of responsibilities ng sa gayon maging maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng New Year.
“I am appealing to your sense of urgency. Let us make this new year’s celebration the safest ever for everyone by achieving ZERO (0) death & the lowest number of injuries. Please continue pressing on your subordinate commanders to perform best. Remember always that the numbers of casualties in your respective areas of responsibility (AOR) is reflective of your kind of leadership. Goodluck to us all and may the good Lord continue to guide us this coming 2018,” mensahe ni PNP chief Ronald Dela Rosa.
Nagpasalamat din ito sa kaniyang mga tauhan sa suporta na ibinibigay sa kaniya bilang kanilang pinuno.
Una rito, ibinunyag ni Dela Rosa na mahigpit na ipapatupad ang one strike policy lalo na kapag may mga stray bullet incidents na naitala sa kanilang mga lugar na hindi agad naresolba.
” Happy new year & thank you for rowing the boat that I captain in the same direction and with unfaltering intensity through the storms of 2017,” dagdag pa ni Dela Rosa.