DAVAO CITY – Maituturing bilang isang magandang panimula sa taong 2020 ang pagdalo ng mga Dabawenyo sa pinakahihintay na Torotot Festival na taunang ginagawa sa lungsod ng Davao kung saan matagumpay na naman itong naisagawa hanggang hatinggabi sa Rizal Park sa lungsod ng Davao.
Tinatayang daan-daang Dabawenyo ang dumalo sa nasabing event kung saan sabay na nag-ingay gamit ang kanilang mga torotot imbes na mga paputok para sa pagsalubong sa bagong taon.
Ang nasabing aktibidad ay isang alternatibong pamamaraang naisip ng lungsod upang maiwasan ang mga aksidenteng dulot ng firecrackers o paputok tuwing bagong taon.
Ang nasabing aktibidad rin ay bilang pagsuporta sa ordinansa ng lungsod na nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng paputok.
Dahil dito, napanitili parin ng lungsod ng Davao ang “zero firecracker-related injuries” dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa na kung saan si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ngayon ay Pangulo ng Pilipinas ang mismong nagpatupad.