-- Advertisements --
mmda
Photo courtesy of MMDA

Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na malabo pa raw sa kasalukuyan na makamit ang zero-flooding sa Kalakhang Maynila.

Paliwanag ni MMDA spokesperson Celine Pialago, hindi raw kasi nalilinis ang halos kalahati ng mga daluyan ng tubig sa buong Metro Manila na dadaanan sana ng baha dahil sa mga nakaharang na istruktura.

Sa datos ng MMDA, ang mga wateraways sa lugar gaya ng mga estero at sapa ay mayroong kabuuang haba na halos 700-km ngunit kalahati nito ay hindi na kayang tumanggap ng tubig baha dahil sa ito’y barado.

Malaking hamon din aniya sa ginagawa nilang mga cleanup ang mga informal settlers at iba pang mga pribadong istruktura.

Gayunman, tiniyak ni Pialago na ginagawa ng MMDA ang lahat upang mapabilis ang pagkawala ng tubig baha sa ilang mga apektadong lugar at matulungan din ang publiko ngayong panahon ng tag-ulan.