-- Advertisements --

Ikinatuwa ng buong hanay ng Philippine Coast Guard na wala itong naitalang anumang maritime-related incident sa kabuaang pagdaraos ng Pista ng Poong Itim na Nazareno sa lungsod ng Maynila.

Ito ay batay sa isinagawang maritime patrol operations at land-based security measures ng PCG District National Capital Region-Central Luzon.

Kabilang rin ang ang pagpapatupad ng health protocols sa pagraos ng Traslacion ngayong taon.

Tinutukan ng PCG ang Manila Bay at Pasig River, kabilang na ang mga kalakip na katubigan malapit sa Jones Bridge, MacArthur Bridge, Quezon Bridge, Ayala Bridge, at bahagi ng Quirino Grandstand.

Nagpatupad rin sila ng underwater inspection at nagpakalat ng PCG security personnel, medical team, at K9 Units.

Layunin ng mga hakbang na ito na maging mapayapa ang kabuuan ng Traslacion.