CENTRAL MINDANAO – Walang naitalang Person Under Monitoring (PUM) at Person Under Investigation (PUI) o COVID-19 free ang isang bayan sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito ang kinumpirma ni Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal.
Mahigpit din ang pagpapatupad ng LGU-Datu Montawal sa mga umiiral na alituntunin ng Public Health Emergency sa bansa kagaya ng paggamit ng facemask, social distancing, highway checkpoint ng mga frontliners, paghuhugas ng kamay at iba pa.
Tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng tulong mag-amang Montawal sa mga pamilya na grabeng naapektuhan sa krisis sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Una ng inani ni Mayor Montawal ang kanyang mga pananim na palm oil, binili ng tole-tolenadang bigas at pinamigay sa kanyang mga nasasakupan.
Dagdag ni Vice Mayor Datu Vicman Montawal na mahigpit din nilang pinatutupad ang social distancing at paggamit ng facemask sa cash assistance ng social ameriolation program (SAP) at 4Ps sa pinakamahirap na pamilya.
Nagbabala si Mayor Datu Otho Montawal sa mga nanamantalang mga opisyal ng barangay sa mga benepisaryo ng SAP at 4Ps na siguradong may kalalagyan sila at pananagot sa batas.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng pulisya, militar, BFP, mga Volunteers at ibang mga frontliners ang pagbabantay sa mga entry at exit sa bayan ng Datu Montawal kontra COVID.