LEGAZPI CITY – Pinawi ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang pangamba ng mga kababayan sa planong pagtatayo ng “zero-waste management facility” sa Ligao City-Oas boundary.
Una rito, ilang residente ang nagpahayag ng pagkontra sa hakbang sa pangamba sa aspetong pangkalusugan at epekto sa kalikasan lalo na’t hazardous wastes ang ipoproseso sa lugar.
Ayon kay Danny Garcia, tagapagsalita ni Gov. Al Francis Bichara sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na taliwas sa kuro-kuro ng ilan, walang mangyayari pagbuga ng mapanganib na usok o anupaman mula sa itatayong planta.
By-product na aniya na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao ang lalabas matapos na dumaan sa pasilidad ang mga toxic wastes.
Malaking tulong rin umano ito para sa mga local government units na walang landfill habang aprubado na rin ng mga government agencies kagaya ng Department of Environment and Nautural Resources.
Depensa pa ng opisyal na hindi pasisimulan ang proyekto hangga’t hindi natatapos ang konsultasyon sa concerned sector ukol sa mga bentaheng dala nito.