-- Advertisements --
Nagkasundo ang pamilya ni dating Zimbabwe President Robert Mugabe na sa monument for national heroes sa Harare na ito ibuburol.
Ayon sa tagapagsalita ng pamilya na si Leo Mugabe na ito ang napagkasunduan ng mga kaanak nito.
Nauna rito nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang kaanak ni Mugabe at si President Emmerson Mnangagwa sa kung saan ibuburol ang dating pangulo.
Nais ng pamilya na isang private burial ang isagawa habang ang gobyerno ay nais na sa National Heroes Acre sa Harare iburol si Mugabe.