-- Advertisements --

Umabot sa $2.7 million ang kinita ng Zimbabwe dahil sa pagbebenta ng mahigit 90 elepante.

Ayon sa wildlife agency ng bansa, ibinenta nila ang nasabing elepante sa bansang China at Dubai.

Ang nasabing perang nalilkom ay gagamitin para sa pagsuporta sa conservation efforts.

Dagdag pa ni Zimbabwe Parks and Wildlife Management Authority spokesman Tinashe Farawo, na nihihirapan sila sa pagkontrol sa patuloy na pagdami ng elepante sa kanilang natonal parks kaya minabuti nilang ibenta ang mga ito.

Umaabot na kasi sa 85,000 ang bilang ng elepante kung saan kaya lamang nilang hawakan ay hanggang 55,000.