KORONADAL CITY – Isinailalim sa zoning containments ang dalawang barangay sa bayan ng Surallah, South Cotabato matapos na ang ilang purok sa mga barangay ay nasa critical zone dahil sa mga naitalang kaso ng COVID 19 sa lugar.
Ang pagpapatupad ng zoning containtements ang base naman sa ipinalabas ng mga executive order ni Surallah Mayor Antonio Bendita.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mayor Bendita, isinailalim umano nito sa Enhanced Community Quarantine ang Prk. Maliwanag, sa Brgy. Dajay sa ilalim ng EO no. 127 series of 2020 at Prk. US sa Brgy. Moloy sa ilalim naman ng EO no. 128 series of 2020.
Ang nasabing pagpapatupad ay nagsimula nitong Setyembre 15 at magtatapos sa Setyembre 29.
Pinasisiguro rin ng alkalde na mahigpit na imo-monitor at babantayan ang mga naka-quarantine na mga pamilya sa tulong na rin ng BHERTS, BPATS at local task force ng bayan.
Ito ay kasabay sa hakbang sa pakikipaglaban sa COVID-19 at ng umano’y hindi na dumami at lumaganap ang virus sa kanilang lugar.