-- Advertisements --

Nauwi sa pagtatalo nina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Alan Cayetano ang pagtalakay sa resolusyon para sa mga barangay ng Enlisted Men’s Barrio (EMBO).

Ito ang 10 EMBO barangay ang pinag-agawang teritoryo sa pagitan ng Taguig City at Makati City.

Matatandaang pumabor ang Korte Suprema sa Taguig, na siyang balwarte ni Cayetano.

Kasunod ng hidwaan, nabahala si Cayetano na hindi magkakaroon ng legislative district ang mga mamamayan sa darating na halalan, kaya naghain ito ng Senate Concurrent Resolution 23.


Kasama sa Senate Concurrent Resolution 23 ang mga EMBO barangay sa mga legislative district ng Taguig at Pateros.

Sa kalaunan ay pinagtibay ng Senado ang resolusyon.

Sinabi ni Zubiri na ang una niyang pag-unawa sa sitwasyon ay isang bagong batas ang ipinapasa para lumikha ng isang distrito.

Nasa opisina siya nang ipaalam sa kaniya na nagde-deliberate sila ng dokumento para sa mga barangay ng Embo.

Sa sesyon ng plenaryo, nagprotesta si Zubiri na hindi ipinaalam sa mga senador nang maaga na ang naturang resolusyon ay nasa kalendaryo para sa sesyon ng plenaryo ng gabing iyon.

Sa ngayon ay kumalat na ang video, kung saan makikita ang dalawang senador na nagsisigawan sa panahon ng pagsususpinde ng plenary proceedings.

Umawat naman sa mga ito sina Sen. JV Ejercito at Pia Cayetano.

Sa huli, nagkapaliwanagan at nagkabati naman ang nagtalong mga senador.