-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagkasundo na sila ni House Speaker Martin Romualdez na iwasan na ang bangayan.

Sinabi nito na ititigil na nila ang anumang bangayan sa pagitan ng senado at House of Representatives at magtrabaho sila ng propesyonal na pamamaraan.

Ang nasabing pagkakasunduan ay para na rin aniya sa kapakanan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Naganap ang pagkikita ng dalawa sa ika-100 kaarawan ni dating Senate President Juan Ponce Enrile.