-- Advertisements --
Nais ni Senate President Juan Miguel Zubiri na gumawa ng panukalang batas na nag-aatas ng mas mabigat na kaprusahan sa mga opisyal at empleyado ng isang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng mga pasaporte, lisensiya at ilang mga legal na dokumento sa mga dayuhan.
Dagdag pa nito na dapat pangunahan ng senado ang nasabing hakbang na pagtaas ng kaparusahan sa mga pagbibigay ng mga legal na dokumento sa mga kuwestiyonableng indibidwal.
Hiniling din nito sa mga otoridad na tignan ang umanoy pagbibigay ng mga pasaporte at identification cards sa mga foreign nationals.
Maguguntiang natuklasan ng mga otoridad sa gianwang raid sa isang POGO hub na mayroong mga legal na dokumento ang mga dayuhang naaresto na sangkot sa mga krimen.