Todo paliwanag si Facebook chief executive Mark Zuckerberg sa pinaiiral na polisiya ng kanilang social network site sa pagsasagwa ng fact-checking sa mga politiko.
Aniya, hindi trabaho ng mga techonological firms na magsagawa ng “censorship.”
Ginawa ni Zuckerberg, 35, ang pahayag sa harap ng mga estudyante ng Georgetown University sa Washington.
Una nang binatikos ng ilang mga kritiko ang kabiguan daw ng Facebook na magpatuloy na magpakalat ng “misinformation” ang mga political leaders tulad na lamang ni US President Donald Trump.
Paliwanag naman ni Zuckerberg ang pag-iwas nila sa fact-checking sa mga ads o political speeches ay bunsod ng pagkilala nila sa freedom of expression.
Depensa pa ni Zuckerberg, hindi umano maganda na gagawin ng mga private companies na mag-censor ng mga politiko o kaya mga balita sa isang demokrasyang bansa.
Gayunman tiniyak ni Zuckerberg na maaari pa namang gawin ng Facebook na tanggalin ang content sa kanilang platform mula sa mga political leaders kung makakasama na ito o makakasakit sa iba.