-- Advertisements --
Nanawagan si Facebook CEO Mark Zuckerberg sa mga gobyerno ng iba’t ibang mga bansa na maging aktibo sa pagkontrol laban sa mga maling nilalaman ng internet.
Sinabi nito na hindi nila kayang mag-isang bantayan ang nilalaman ng internet kaya nararapat na sila ay tulungan ng mga gobyerno.
Giit ng founder ng FB na dapat daw na magkaroon ng batas sa apat na areas gaya ng “harmful content, election integrity, privacy at data protability.”
Kapag aniya mayroong batas ang bawat gobyerno ay mababantayang mabuti ang anumang negatibong mga bagay na lalabas sa internet.
Ang nasabing panawagan ni Zuckerberg ay kasunod nang naganap na pamamaril sa mosque sa New Zealand.