-- Advertisements --

Pumanaw na si King Goodwill Zwelithini ng Zulu nation ng South Africa sa edad 72.

Ayon sa kampo nito na hindi na niya nakayanan ang sakit nitong diabetes at nalagutan ng hininga sa KwaZulu-Natal hospital.

Ang 72-anyos na hari ay siyang lider ng pinakamalaking ethnic group sa South Africa at isang ma-impluwensiyang ruler.

Pinasalamatan naman ng prime minister ng hari ang South Africa dahil sa ginawa nilang pagdarasal at suporta.
Pinalitan ni King Goodwill Zwelithini si King Cetshwayo na nanguna sa Zulu noong giyera laban sa British noong 1878.