-- Advertisements --
Nabigyan ng medical parole ang dating pangulo ng South Africa na si Jacob Zuma.
Hinatulang makulong kasi ng 15 buwan ang dating pangulo sa kasong contempt of court dahil sa pagbalewala sa pagdinig ng graft investigation nito.
Dinala sa pagamutan ang 79-anyos na si Zuma at inoperahan mula sa sakit na hindi na binanggit ng mga prison officials.
Ayon sa Department of Correctional Service na tatapusin na lamang nito ang 15-buwan na pagkakakulong sa labas ng kulungan.
May mga kondisyon itong dapat na sundin at patuloy itong babantayan ng mga prison officials.