KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang dalawang menor de edad na suspek sa pananaksak-patay sa isang Zumba instructor sa lungsod ng Koronadal matapos na maaresto kasabay ng pagkarekober ng motorsiklo ng biktima.
Kinilala ni PMAj Rommel Hitalia, deputy chief of police ng Koronadal CPS ang biktima na si Arvin Rey Mandijanon, nasa legal na edad at residente sang Purok Leganes, Brgy Zone 1 ,Koronadal City.
Habang hindi muna inilantad ang identity ng dalawang naarestong menor de edad kung saana ng isa sa mga ito ang umamin na siya ang sumaksak sa dibdib sa biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Napag-alaman na matapos patayin ang biktima ay tinangay pa ng mga suspek ang motorsiklo at pera nito.
Sa salaysay ng mga suspek, kasama umano nilang nag-lodge ang biktima at doon na nangyari ang krimen.
Napag-alaman na nakilala ang mga suspek dahil sa narekober na cellphone ng biktima kung saan may mga conversation pa ang mga ito bago ang insidente.
Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya kung may iba pang kasabwat ang mga suspek.
Habang inhahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.