-- Advertisements --
Nagkampeon si Alexander Zverev sa ATP finals.
Tinalo kasi ng German tennis star si Russian world number 2 at defending champion Daniil Medvedev sa score na 6-4, 6-4.
Unang tinalo ni Zverev si Novak Djokovic sa semifinals ng laro na ginanap sa Italy.
Siya lamang ang pang-apat na manlalaro na talunin ang dalawa sa nangungunang manlalaro sa mundo ng semis at finals ng season-ending tournament.
Labis itong nasisiyahan at magiging sulit ang kaniyang holiday dahil sa panalo.