-- Advertisements --
Pasok na sa ikatlong round ng French Open si German sixth seed Alexander Zverev.
Ito ay matapos na talunin si Roman Safiullin ng Russia sa score na 7-6(4), 6-3, 7-6(1).
Naging crucial ang unang round ng dalawa kung saan kapwa ipinakita nila ang kanilang kagalingan.
Tatong beses na rin na nagkaharap ang dalawa at lahat nito ay naipanalo ng German player.
Susunod na makakaharap ni Zverev si Laslo Djere ng Serbia.