-- Advertisements --

Tiniyak ni Alexander Zverev na ito ay babawi matapos ang bigong pagkatalo sa US Open Finals.

Ayon sa 23-anyos na German tennis star, na isang malaking upset ang nangyari sa kaniyang pagkatalo kay Dominic Thiem ng Austria.

Ilang laro na lamang aniya ay malapit na niyang makuha ang grand slam.

Nakuha kasi ni Thiem ang score na 2-6, 4-6, 6-4, 6-3, 7-6 (8/6) sa laro na tumagal ng apat na oras at dalawang minuto.

Tiwala ito na sa edad pa niya ay marami pang siyang mga laban na haharapin.