CENTRAL MINDANAO-Alinsunod sa Department of Interior and Local Government [DILG]- Region XII Memorandum dated March 7, 2023, isinagawa ng Local Council for the Protection of Children Regional Inter-Agency Monitoring Taskforce [RIMTF] ang on-site assessment for the Provincial Council for the Protection Children (PCPC) sa lalawigan ng Cotabato sa Home for Women and Children of Cotabato Province [HWCCP].
Suportado ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. TaliΓ±o-Mendoza ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad, na naglalayong bumuo ng comprehensive guidelines upang patatagin, palakasin at mamonitor ang mga progmang ipinapatupad sa ilalim ng PCPC.
Ang hakbang na ito ay ayon sa DILG Memorandum Circular No. 2021-039. Dito, inatasan din ang lahat ng DILG LCPC Focal Persons na magbigay ng technical assistance upang paghandaan ang on-site assessment.
Ang aktibidad na pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office [PSWDO] ay dinaluhan ng mga bumuo ng RITMF, na pinamunuan ng DILG Regional Office XII, kasama ang Save the Children- Philippines, Regional offices ng Department of Health [DOH], Department of Social Welfare and Development [DSWD], Philippine Information Agency [PIA], Regional Committee for the Welfare of Children [RCWC].
Sinaksihan din ito ng mga opisyal at kawani ng DILG-Provincial Office at Provincial Planning and Development Office.