CENTRAL MINDANAO-Bilang pasasalamat sa kontribusyon ng Sangguniang Kabataan (SK) sa kani-kanilang komunidad naipamahagi na ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang insentibo para sa SK officials ng ibaβt-ibang barangay ng lalawigan.
Ayon kay Provincial Youth Coordinator Designate Nikko Adrian Valenzuela Perez, naglaan ang probinsya ng abot sa P1,412,000 pondo, na ipinamahagi sa 2,824 SK kagawads and appointees (SK treasurers and secretaries) nitong nakaraang kapaskuhan.
Dagdag pa niya, na sa mahigit apat na taon ay hindi nakatanggap ng anumang insentibo ang mga SK at paraan ito ng probinsya upang mas lalo pa silang mahikayat na gampanan ang kanilang tungkulin sa pagbibigay ng serbisyo sa kabataan ng probinsya.
Labis naman ang pasasalamat ni Jhonel B. Pedrola, 23, SK Kagawad ng Barangay Sagcungan, President Roxas dahil sa simpleng pamamaraan ay naipakita ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou βLalaβ TaliΓ±o Mendoza ang pagkilala nito sa naging kontribusyon ng SK sa pagpapalago ng komunidad.
Ayon sa kanya, βHindi talaga pinabayaan ng Gobernadora ang kabataan ng ating probinsya, pag programa para sa kabataan laging nakasuporta si Gov. Lala.β