-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Abot sa 250 ang mga benepisyaryo sa ginawang distribusyon ng tseke para sa Serbisyong Totoo Entrepreneurial Program (STEP) ng pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza sa pamamagitan ng Provincial Cooperatives and Development Office (PCDO).

Ang mga nakatanggap ng tseke na may kabuoang halaga na P706,000 ay mula sa bayan ng Carmen, Kabacan, Libungan, Alamada, Makilala at Tulunan. Mula sa anim na nabanggit na mga bayan, 169 rito ang nakatanggap ng P2,000; 37 naman ang nakatanggap ng P4,000; at 44 ang binigyan ng STEP grant na nakakahalaga ng P5,000 bawat isa na nakakumpleto ng bayad sa una at pangalawang STEP loans.

Nagpasalamat si Ginang Susana Apostol, may-ari ng isang sari-sari store sa Brgy. Aroman, Carmen at nabigyan ng P5,000 ayuda, dahil malaking tulong umano ito sa kanyang negosyo at sa pagtustos sa pag-aaral ng kanyang mga anak