CENTRAL MINDANAO-Dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa pagsugpo ng iligal na droga, umabot na sa 410 out of 480 barangays sa buong lalawigan ng Cotabato ang kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na drug-cleared kasabay ng isinagawang Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC) and Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) Meeting sa Provincial Capitol Rooftop Amas Kidapawan City.
Ito ay ayon kay PDEA XII Regional Director Naravy D. Duquaitan sa kanyang ulat kasabay ng nasabing pagpupulong. Sinabi nito na ang nabanggit na tagumpay ay dahil na rin sa puspusan at istriktong implementasyon ng kampanya laban sa droga at sa tulong ng mga lokal na pamahalaan dito kaya nabawasan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot at burado na rin ang presensiya ng lokal na plantasyon ng marijuana sa lalawigan.
Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP) para sa “clearing program” ng natitira pang pitumpong (70) barangay.
๐ฑ๐๐๐ ๐ฟ๐ณ๐ด๐ฐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐
Samantala, hinirang ang PDEA Cotabato Province bilang “BEST PDEA Provincial Office” na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasabat na iligal na droga mula sa mga operasyon kumpara sa iba pang mga probinsiya sa rehiyon. Pinarangalan din si Investigation Agent V Neil Joyce Liansing ng PDEA Cotabato bilang “Best Supervisor for Operations Division” sa kanyang husay at dedikasyon tungo sa tagumpay ng Supply and Demand Reduction Programs ng PDEA Regional Office 12 para sa taong 2021 hanggang 2022.
Pinuri naman ng konseho lalo na ni PPOC and PADAC Chairperson Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang PDEA personnel sa pamumuno ni Liansing at ang liderato ni RD Duquiatan dahil sa nasabing tagumpay. Hinikayat din ng goberandora ang mga lokal na opisyales sa pamumuno ng mga alkalde nito na patuloy na makipagtulungan sa PDEA at pulisya upang mapigilan ang pagpasok ng suplay ng droga sa lalawigan.
๐ณ๐๐๐-๐ต๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Binigyang diin din ng gobernadora ang istriktong pagpapatupad ng drug-free workplace (DFWP) sa probinsiya ngayong taon. Katunayan, sinimulan na ng binuo nitong Drug-Free Workplace Committee ang pagbalangkas ng mga polisiya at alituntunin ng DFWP nito lamang nakaraang Nobyembre. Naglaan din ang gobernador ng pondo para sa iba’t ibang adbokasiyang ipapatupad naman ng PADAC tulad ng pagsasagawa ng anti-drug symposium sa mga high school students sa lalawigan, at marami pang iba.